Song Details
KEY: F#/Gb
BPM: 124
ARTIST: Moira Dela Torre
Alas kwatro na ng umaga
Dito pa rin, tulala
Nalulunod lang sa ala-ala
Pero wala namang magawa
Kahit ipikit mga mata
Memoryado pa rin ang 'yong mukha
Nung sabi mo sa'kin
'Di na uulitin
At 'di mo naman sinasadya
'Di ko alam ang gagawin
Kahit ano pa ang sabihin
'Di mo naman naririnig
Parang ang layo mo na rin
Nandito ka nga sa'king tabi
Pero nakaguhit ang ngiti
Ang sugat ba'y gumagaling
O natututo lang ba tayong magkunwari
Kung isa na lang ang lumalaban
Madadama sa bawat hagkan
May hangganan ang pagpapatawad
Kung paulit-ulit na lang
At sa pagmulat ng iyong mata
May kasama ka sa pagbubura
Sa sugat ng ala-ala, may iiyakan ka
Hanggang matuyo ang 'yong luha
Kung 'di mo alam ang gagawin
Wala kang kailangan sabihin
Sandal ka lamang sa akin
Lalayo tayo sa dilim
Dito lang ako sa 'yong tabi
Ibabalik natin ang ngiti
Ipahinga na ang 'yong isip
Tanggap ko ang 'yong mundo ng walang pagkukunwari
'Di ko alam kung pano
Makakausad dito
'Pag tumingin pa sa malayo
Para bang gustong maglaho
Ikakasama ko pa ba
Kung gusto ulit magsimula
Nawawalan na ng pag-asa
Kasalanan bang lumaya
'Di man alam kung pano
Makakausad dito
Tatakbo tayong malayo
Hanggang bawat sugat maglaho
Iwanan na ang 'yong pangangamba
'Di ka na mag-iisa
'Di na mag-iisa
Comments
Post a Comment