Song Details
KEY: C#/DbBPM: 133ARTIST: Papuri Singer
Bakit kung minsan ang buhay mo
ay kay gulo
Parang walang katapusan ang
paghihirap mo
Kaibigan sa aking palagay
sa'yo ay may kulang
Kaligtasang mula kay Kristo
ay di pa nakakamtan
Bakit kung minsan ang buhay mo
ay kay lungkot
Parang walang sigla, walang pag-asa
Kapag may pagsubok
Kaibigan sa aking palagay
sa'yo ay may kulang
Kaligtasang mula kay Kristo
di pa nakakamtan
CHORUS
Dios ay buhay, Dios ay buhay
kailanpaman
Laging gumagabay, laging umaalalay
Dios ay buhay, Dios ay buhay
kailanpaman
Siya'y kumakatok,
kaya't puso mo’y buksan
Ngunit kung kalooban Niyang
ikaw ay piliin
Pangako Niyang ika’y ililigtas,
tiyak na tutuparin
Pag-ibig Niya't pagmamahal
sa iyo'y nakalaan
Kung ikaw ay magsisisi
at mababagong lubusan
Ngunit kung minsan ang puso
ay parang bato
Hindi marunong umunawa
at laging gulong-gulo
Kaibigan puso mo'y buksan
pati na ang isipan
At tanggapin mo Siya
pag-hariin sa iyong buhay
CHORUS
Dios ay buhay, Dios ay buhay
kailanpaman
Laging gumagabay, laging umaalalay
Dios ay buhay, Dios ay buhay
kailanpaman
Siya'y kumakatok,
kaya't puso mo'y buksan
Dios ay buhay, Dios ay buhay
kailanpaman
Laging gumagabay, laging umaalalay
Dios ay Buhay, Dios ay Buhay
kailanpaman
Siya'y kumakatok,
kaya't puso mo'y buksan
Comments
Post a Comment