Song Details
KEY: D
BPM: 170
ARTIST: Papuri Singer
verse
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
At siyang nagdulot sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin
′Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa, tayo′y isa lamang
Kahit na tayo ay magkawalay
chorus
'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo′t magtulungan
At kung tayo′y bigo ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
verse
Sikapin sa ′ting pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop
Sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo
chorus
'Pagkat ang Diyos nati′y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo′y bigo ay 'wag limutin
Na may Diyos tayo na nagmamahal
Comments
Post a Comment