Puso’y basang kahoy Na tila kay lamig Nang madarang sa ningas Ng ‘Yong pag-ibig Unti-unting natuyo Ang bawat pagtanggi Nang matupok lahat kong pagmamalaki Mukha Mo’t kabutihan Ay aking nagisnan Tiwala ko’t pag-ibig Sa’yo ay laan Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos Tanglaw sa gabing mapanglaw Apoy sa dilim at ginaw Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos Biyaya Mo’y laging lubos Araw na di nauupos Panghahawakan ko, nag-aalab na pag-ibig Mo