Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2017

NAG-AALAB

Puso’y basang kahoy Na tila kay lamig Nang madarang sa ningas Ng ‘Yong pag-ibig Unti-unting natuyo Ang bawat pagtanggi Nang matupok lahat kong pagmamalaki Mukha Mo’t kabutihan Ay aking nagisnan Tiwala ko’t pag-ibig Sa’yo ay laan Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos Tanglaw sa gabing mapanglaw Apoy sa dilim at ginaw Nag-aalab, pag-ibig Mo sakin O Diyos Biyaya Mo’y laging lubos Araw na di nauupos Panghahawakan ko, nag-aalab na pag-ibig Mo

Kay buti Mo

Katapatan Mo Oh Dios tunay at dakila Ang pag-ibig Mo’y wagas at walang kapantay Sa aking puso, sa aking buhay papuri’t pagsamba’y iaalay Bukas noon ngayon magpakailanman luwalhatiin ka Chorus: Panginoon Kay buti Mo sa akin Ikaw lamang ang tangi kong sasambahin Aawitan kita at pupurihin Panginoon Kay buti Mo sa Akin

Katapatan

Sayong pag ibig wagas at sukdulan Sayong biyaya at yong kahabagan Sa lahat ng iyo ang aking tugon katapatan Sa patuloy mong pagtitiwala Kahit kapos kaalam at mahina Sa lahat ng ito pangako sayo katapatan Chorus: Magpapasyang manatili Nililihis sa pinilig Landasing pagsuko at pagpapasakop sayo O’ Diyos Tahakin may kadiliman Hinding-hindi ka iiwan Tag-ulan, tag-araw pighati tagumpay kailanman O’ Diyos Magtatapat Bridge: Magtatapat pagka’t Ikay tapat Sayo Panginoon ang hari ng lahat

Ikaw lang ang aking minamahal

Verse I Ikaw lang, Ikaw lang Aking minamahal Ikaw lang, Ikaw lang Panginoon Sa’yo ay susunod laging maglilingkod Sa’yo lang, Sa’yo lang aking Hesus Repeat Verse I Sa’yo ay susunod Laging maglilingkod Buong buhay ko’y alay lang Sa’yo Chorus:   Iniibig kita O aking Diyos Nagpupuri Sa’yoy naghahandog ng pangakong tanging ikaw lang O’ Hesus, O’ Hesus Aking Diyos Refrain: Kalakasan ko ay Ikaw Kalakasan ko ay Ikaw Kalakasan ko ay Ikaw At kagalakan sa twi’twina Ikaw lang

Ang Nais ko

May nadaramang sadyang kakaibang tawang ‘di maipaliwanag Sa puso ay umaapaw kaligayahang ‘di ko maisalarawan Hindi na papipigil ang damdamin ito ang nais kong gawin Chorus:   Ang magpuri Sa’yo ng buong puso ko At magdiwang sa kabutihan Mo Mag-alay ng sayaw lumundag sumigaw Oh Panginoon ito ang nais ko Ang awitan kita sa aking pagsamba At sa tuwina’y luwalhatiin Ka Magpakailanpaman hindi wawala’y Sa’yo Oh Panginoon ito ang nais ko

Ako ay lalapit

Ako ay lalapit Sa Iyong harapan Puso ko’y luluhod Sa iyong kabanalan At kahit hindi man ako karapat-dapat Ngunit sa biyayang dugo Mong nilaan O’ Hesus Chorus:   Ako’y lalapit Mag-aalay ng pagpupuri Sa’yo Ako’y aawit Itataas ang aking tinig Sa’yo Ako’y mananahan sa piling Mo